Showing posts with label sta ana church. Show all posts
Showing posts with label sta ana church. Show all posts

Thursday, November 18, 2010

Instant Balikbayan / Balikplaneta

 

Tinatayang 42.2 million kano ang magho-homecoming sa kanilang hometown ngayong Thanksgiving.  I wish I could go home too.  Thanks to Roy Alvares para na rin akong nagbalikbayan dito sa 360 panorama at wee planets ng aking kinalakihang hometown.  Salamat po.

Wednesday, July 21, 2010

Kanong Hilaw sa Tondo

 

Mga west coast Pinoys nood po kayo ng Palanca award winning play, ang classic na  "New Yorker in Tondo" ni Marcelino Agana Jr.  Pinagtulungan ni Direk Jackie Casttillejo-Guingona at Assistant Direk Joji Isla. Syempre pa starring sina Thage Montecarlo, Lee Robin Salazar, Joji Isla, Richgail Enriquez at Jackie Castillejo. Stage Manager- Angel Ting-Las Pinas and Production Manager- Thage Montecarlo.  Itala sa inyung iPad kalendaryo, August 14, 2010, doon po sa Daly "Pinoy" City, California ng US of A.  O tawag na po ke Edith 415-684-4040 at ke Angel 650-892-9067.


 

SNP (siya nga pala) BTW, maligayang bati po ke Joji Isla sa kanyang achievement award from the Memeng Kamot Faundation.  Unang binigyan ng MKF award si Bon Olano noong 1996 pa.  Ngayon lang po ito naulet ulet en agen.  Congratz!  Kung lihitimong batang Sta. Ana ka, siguradong kilala mo si Memeng Kamot.  Mabuhay!

Tuesday, July 20, 2010

Simbahan ng Majayjay

 

Unang pinatayo yari sa kawayan at pawid sa Sitio May-it ng mga misyonerong Agustino matapos ang pamamayapa sa katutubo ni Salcedo.  1571: Nasunog. 1576: muling ipinatayo ng mga Pransiskano sa panahon ni P. Juan de Plasencia.  1578: Muling nasunog.  1606: Ipinatayo ang kasalukuyang simbahang bato.  1616 - 1649: Bahagyang nasunog.  1660: Pinaayos.  1707: Pinalaki at pinagtibay sa pamamahala ni P. Jose de Puertollano. Pamuling ipinaayos noong mga taong1839, 1842 at 1848 dahil sa pinsala ng bagyo.  Naging Himpilan ng mga imperyalistang Amerikano noong digmaang Pilipino - Amerikano.  Isinaayos, 1912.