Showing posts with label Temptation Island Remake. Show all posts
Showing posts with label Temptation Island Remake. Show all posts

Monday, May 16, 2011

Temptation Island- Meet the Sexy Casts- Marian, Heart, Solenn, Lovi and Ruffa Mae

Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff at Rufa Mae Quinto – Paseksihan, Patalbugan at Pagalingan sa ‘Temptation Island’!


Magbabalik sa big screen ang 80s hit na Joey Gosiengiafio classic, ang “Temptation Island” na unang ginawa ng Regal Films. Tampok sa klasikong pelikula ang mga sikat sikat na mga beauty queen gaya nina Dina Bonnevie, Azenith Briones, Bambi Arambulo at Jennifer Cortez. Nasa cast din ang aktres na si Deborah Sun at mga Regal actors na sina Ricky Belmonte, Domingo Sabado, Alfie Anido at Jonas Sebastian.


Matapos ang mahigit isang taong pagpapalit-palit ng female cast, nabuo na rin finally ang movie mula sa panulat at direksyon ni Chris Martinez. Huling umani ngpapuri sa pelikulang Here Comes the Bride, 100 at Gunaw episode ng My Valentine Girls ni Richard Gutierrez at ni Eugene Domingo si direk Chris.



Agad ngang pumunta sa ng Paoay, Ilocos Norte ang buong cast bago ang Holy Week upang kunan ang mga eksena sa disyerto kung saan na-stranded ang ilang pasahero na pinangungunahan nina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe,Solenn Heussaff, John Lapus, Mikael Daez, Tom Rodriguez at Aljur Abrenica.



Napunta kay Marian ang role ni Azenith na putatsing na mahilig sumali sa beauty contests. Kay Heart naman napunta ang role ng konserbatibong si Dina at kaySolenn ang role ni Bambi na isang kontesera rin sa byu-con (beauty contests). Napunta naman kay Lovi ang role ni Jennifer na isang bratinela with matching yaya sa isla na ginampanan naman ni Rufa Mae na unang ginawa ni Deborah Sun.



Kahit grabe ang tindi ng sikat nga araw sa Ilocos na halos ikasunog ng mga kutis , masaya si Marian sa bonding na nangyari sa unang shooting days ng girls.

“Masaya kasi nagkakaroon ng bonding ang mga girls. Maganda pa ‘yung lugar. Sobra nga lang ang init. Sobrang love ko talaga ang Ilocos!” pahayag ni Marian.

Wala namang pakialam si Heart kung masilip ang singit-singitan sa punit-punit niyang gown.

“This is the shortest skirt na sinuot ko! Para na siyang half panty, half gown! Ha! Ha! Ha! Pero masaya talaga ang bonding naming!” kuwento naman ni Heart.

Minani naman ni Solenn ang init sa disyerto habang nagsusyuting. “This is five star desert Survivor Philippines!” pagmamalaki ni Solenn.

Sina Rufa at Lovi ang madalas naman magkaeksena kaya naman hindi sagabal ang tsismis na pinag-aagawan nila si Fabio Ide upang hindi nila paghusayan ang mga eksena nila.

Matitindi pang eksena ang nakahandang gawin ng mga girls ng “Temptation Island” pero sigurado na na magkakarooon ng patalbugan, paseksihan at pagalingan sa kani-kaniyang role sa bagong version ng pelikulang hinding-hindi puwedeng mabura sa history ng pelikulang Pinoy!

Bukod sa malalandi at nakakakiliting eksena nina Marian, Heart, Lovi, Solenn at Rufa Mae, kakaibang Sweet ang mapapanood sa movie bilang beauty pageant coordinator.

See More of Temptation Island-Remake Posts plus teaser (Click here!)

- Regal Entertainment Press Statement

Sunday, May 15, 2011

Temptation Island- Leading Men- Aljur Abrenica, Mikael Daez and Tom Rodriguez

- Regal Entertainment Press Statement:

Pagpipistahan ng mga kababaihan at kabadingan ang magagandang katawan ng mga aktor na nasa cast ng “Temptation Island” na co-production ng Regal Entertainment at GMA Films – sina Aljur Abrenica, Mikael Daez at Tom Rodriguez!
Aljur Abrenica

Todo-displey ang tatlong hunks ng matatambok nilang muscles at abs dahil ang sinakyan nilang barko ay nasiraan kaya stranded silang lahat kasama ang “Temptation” girls na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heussaff at Rufa Mae Quinto.

Sa tatlo, si Aljur Abrenica ang pinakamatapang magpakita ng hubad na katawan, mapipintog na muscles at makikinis na binti at hita. Lalong dumami ang naakit kay Aljur nang gawin niya ang TV series na “Machete.” Aware siyang pinagpapatasyahan ang kaguwapuhan niya’t pormadong katawan, kaya naman hindi na siya nag-iinarte pa kung ibuyangyang niya ito sa publiko, huh!


Mikael Daez

Produkto naman ng “Pinoy Big Brother” si Tom Rodriguez na lumaki sa ibang bansa. Kaya naman liberal ang kanyang pananaw sa pagpapakita ng hubad niyang katawan! Tutal naman, nagawa na niyang magpaseksi sa “Here Comes The Bride” at maging sa TV series na “My Driver, Sweet Lover” ng TV5. Sa “Temptation Island”, siya ang magiging love interest ni Marian Rivera kung saan hindi lang kissing scene ang ginawa nila kungdi maging love scenes, huh!

Naka-jackpot muli ang commercial model turned actor na si Mikael Daez nang siya ang piniling pumalit sa role ni Paulo Avelino. Second big acting project niya ang “TI” dahil isa rin siya sa leading men ni Marian sa TV series ng GMA 7 na “Amaya.” Eh, pagdating sa pagpapakita ng katawan, wala ring pakialam si Mikael dahil alam niyang sexy ang tema ang pelikulang ginagawa.


Tom Rodriguez

Sa totoo lang, hindi lang ang mga babaing artista ng “Temptation Island” ang magpapainit sa manonood! Nariyan din sina Aljur, Mikael at Tom na “cheesy” na, “yummy” pa, huh!

Nasa cast din ng movie si John Lapus na mula sa panulat at direksyon ni Chris Martinez.

Sunday, April 17, 2011

Mikael Daez joins Temptation Island Remake: Temptation Island Photoshoot

Newest Kapuso hunk actor Mikael Daez has joined the cast as one of the leading men alongside with Tom Rodriguez and Aljur Abrenica.


Mikael replaces Paulo Avelino who declined the role due to health reasons, as what was revealed by his manager Leo Dominguez.

"Because @mepauloavelino fell ill and is still recuperating, he had no choice but to give up his leading man role in 'temptation island'.:(" Dominguez posted on Twitter.

Paulo was advised by his doctor to rest after he was diagnosed with pneumonia.







photos courtesy of Regal Films