Showing posts with label Frank Magalona. Show all posts
Showing posts with label Frank Magalona. Show all posts

Tuesday, May 10, 2011

Frank Magalona- Philippine TV's New Hearthrob

Frank Magalona is the new GMA Network's roster of Leading Man status. Frank Magalona, born on 1987 is the younger brother of  Maxene Magalona and Saab Magalona- son of the late Francis Magalona. He plays drum and guitar and sings as well just like his younger brother Elmo Magalona.He's currently taking up Fine Arts at the College of Fine Arts, UP Diliman.


Frank Magalona will soon be seen acting via his first major acting project 'Blusang Itim' opposite Kylie Padilla starting May 16, 2011 on GMA Dramarama block.

'Blusang Itim' Frank Magalona bilang Angelo

Si Angelo ay isang tanyag na modelo. Guwapo s'ya at mabait. Magiging malapit s'ya kay Jessa, ngunit si Jessica ang kanyang iibigin.


...Frank Magalona bilang Angelo sa Blusang Itim on May 16, 2011 at GMA

video credit:gmanetworkfanpage

Meet the Main Cast- Character Video:
Frank Magalona bilang AngeloCarl Guevarra bilang MelchorLucho Ayala bilang Edward

Monday, May 9, 2011

Walang Kupas na Blusang Itim ni Elena Patron, Babago sa Afternoon Viewing sa GMA 7

Sasabak na si Kylie Padilla sa kanyang kauna-unahang pagbibida dahil siya ang gaganap sa karakter na pinasikat ni Snooky Serna sa 1980's movie. Matapos mapanood sa primetime drama na Dwarfina at sa hit series na Tween Hearts, haharapin na ng anak ni Binoe ang pinakamalaking challenge sa kanyang career: muling buhayin si Jessa, ang timeless lead character sa Blusang Itim. 


Sa afternoon drama na ito, matutunghayan ang kwento sa likod ng hindi magandang mukha ni Jessa at kung paanong nangangarap siyang matanggap at makapasok sa fashion industry bilang isang designer.

Kasama ni Kylie upang magbida rin sa series na ito ang ilan sa young and promising stars ngayon. Si Frank Magalona bilang Angelo, ay isang kilalang modelong matagal nang hinahangaan ni Jessa at si Winwyn Marquez naman ay si Vicky, ang kasintahan ni Angelo na isa ring modelo. Samantala, gaganap si Lucho Ayala bilang Edward, ang lalaking magkakagusto sa magandang alter ego ni Jessa na si Jessica. At si Carl Guevarra naman bilang Melchor, ay ang kaibigan ni Jessa simula pagkabata na umiibig sa kanya sa kabila ng kanyang hitsura. 

Meet the 'Blusang Itim Casting' (click their names to check their role- video).
Frank Magalona bilang Angelo
Carl Guevarra bilang MelchorLucho Ayala bilang Edward

Lalaki si Jessa na nangungulila sa pagmamahal ng makasarili at ganid na inang si Esmeralda (Jackielou Blanco). Ang hindi niya alam, si Esmeralda ang bunga ng kanyang paghihirap at maging ng kanyang pangit na mukha.

Habang nagdadalatao si Rhea (Rita Avila), ang tunay na ina ni Jessa, gumawa ng paraan si Esmeralda upang malaglag ang bata. Hindi kasi matanggap ng huli na mas pinili ni Gerald (Gary Estrada) si Rhea kahit na sinabi niyang buntis din siya.

Hindi man nagtagumpay si Esmeralda na mapatay ang anak ng mag-asawa, nagawa naman niyang miserable kahit papaano at puno nang kasinungalingan ang buhay nila.

Nang manganak si Rhea, hindi makapaniwala si Gerald na deformed ang mukha ng sanggol dahil sa muntik nitong pagka-abort. Naisip niyang alukin si Esmeralda ng pera upang makipagpalit ng anak sapagkat bagong silang din ang anak nitong si Edward. Tinanggap ni Esmeralda ang offer at kinuha ang kawawang si Jessa ngunit kahit kalian ay hindi niya ito itinuring na anak.

Buong buhay niya, inaasam ni Jessa na matanggap ng mga tao sa kabila ng kanyang hitsura. Hangad din din niyang ibigin siya ng isang lalaking tatanggapin ang kanyang anyo. Lahat ng ito ay tila imposible hanggang sa dalhin siya ng kanyang mabuting puso sa mahiwagang blusang itim. Hindi lamang pagagandahin ng blusang ito ang kanyang mukha, kundi maging ang kanyang buhay babaguhin nito.

Ang blusang itim nga ba ang magiging daan upang maabot ni Jessa ang kanyang mga pangarap at makuha ang buhay na dapat ay mayroon siya? O gagawin ba nitong mas kumplikado at puno ng sakit ang kanyang buhay? Makakatulong kaya ang blusang itim upang makamit niya ang tunay na pag-ibig at pagtanggap na matagal na niyang hinahangad?

Sundan kung paanong ipinagkait ng panlabas na anyo ng isang tao ang pagmamahal na dapat ay kanya at kung paanong mababago ang takbo ng kayang buhay dahil na rin sa kanyang kabutihan.

Kasama rin sa cast ng Blusang Itim sina: Maritoni Fernandez bilang Victoria, ang matapobreng ina ni Angelo; Marissa Delgado bilang Concha, ina ni Esmeralda; Maureen Mauricio bilang Elsa, ang ina ni Melchor na may pilat sa mukha; Bodie Cruz bilang Noel, kaibigan at manager ni Angelo; Chariz Solomon bilang Chiqui, kaibigan ni Jessa; at Andrea Torres bilang Allyson, isa pang anak nina Gerald at Rhea.

Sa pamamahala ng My Lover, My Wife director na si Jay Altarejos, ang Elena Patron's Blusang Itim ay mapapanood araw-araw simula Mayo 16 pagkatapos ng Eat Bulagasa GMA Dramarama sa Hapon.

Matutunghayan din ang Elena Patron's Blusang Itim worldwide simula Mayo 18 sa GMA Pinoy TV. –Text courtesy of GMA Network

Sunday, May 1, 2011

The most famous “blusa” in the country makes a comeback soon

Just as many people got captivated by Snooky Serna’s role as Jessa, GMA 7 is certain that Kylie Padilla would be as mesmerizing in the TV adaptation of the 1980’s movie, Blusang Itim.


Although more than two decades have passed, it is undeniable that Elena Patron’s comics and the movie remain to be popular. Many are excited to watch it again, this time on TV, for the story is even more gripping as it revolves around the fashion industry.

Aside from being the first lead role of Binoe’s daughter, Blusang Itim is also the first drama of Winwyn Marquez, daughter of Joey Marquez and Alma Moreno.

Meanwhile, the series is the first TV show of the Master Rapper’s son, Frank Magalona, as he joins his celebrity siblings in showbiz.

GMA brought together these children of renowned artists for this very special offering. Carl Guevarra also joins this lineup of up-and-coming stars as he plays the other leading man in the story.

With Jackielou Blanco, Rita Avila, Gary Estrada, Marissa Delgado, Bodie Cruz, Chariz Solomon, Lucho Ayala and Andrea Torres, Blusang Itim returns soon and it will be aired in GMA 7’s Dramarama sa Hapon. -- Text courtesy of GMA Network.