Pambansang Kamao… People’s Champ… World’s Best Pound for Pound Boxer… ilan lamang ito sa mga bansag sa isa sa pinakasikat na boksingero sa buong mundo …si Manny Pacquiao.
Pero hindi mararating ni Manny ang kanyang kinaluluklukan nang nag-iisa. Napakatindi ng suporta kay Manny ng isang grupong kilala bilang TEAM PACQUIAO.
At sa espesyal na palabas na ito, sila’y ating makikilala.
Nangunguna sa listahan ang best bud at Pinoy coach ni Manny na si Buboy Fernandez, na tila itinuturing na celebrity na rin. Makikilala si Nonoy Neri na nangangalaga sa diet ni Manny at si Alex Oreto na all-around alalay ni Pacman. Siyempre pa, ang beteranong coach na si Freddie Roach, na nagpabago sa estilo ni Manny sa boxing.
Sa labas ng ring, may iba pang miyembro ang Team Pacquiao. Sina Wakee Salud at Bren Evangelio ang mga katuwang niya sa pagpapatakbo ng negosyo. Sina Jake Joson naman at Eric Pineda, ang mga kasama ni Manny sa iba pa nitong money-making schemes tulad ng mga product endorsements. Si Atty. Frank Gacal naman ang may hawak ng milyun milyong kontrata ni Manny.
Meron pang mga original Team Pacquiao members, ang mga may pinakamalaking sakripisyo … at benepisyo. Si Aling Dionisia, ang nanay ng bayan, at si Jinkee, ang dakilang maybahay ni Manny.
Kilalanin at kilatisin ang mga miyembro ng Team Pacquaio. Alamin ang mga intriga at isyung namamagitan sa kanila.
Wag palampasin ang muling pagpapalabas ng TEAM PACQUIAO, ngayong Linggo, May 8, 10 to 11 pm sa GMA News TV Channel 11.

No comments:
Post a Comment