Star Box of Ali Sotto and Radio DJ Papa Jack bids farewell. Their last airing was on May 13, 2011.
Pagbabago sa morning programming ang dahilan sa biglaang pagkaka-tapos ng morning show ni Ali Sotto at Papa Jack na StarBox na nagsimulang umere last April 4 lang.
Ikinalungkot ng production staff ang biglaang pagtigbak sa show dahil mami-miss nila ang magandang samahan ng grupo.
Ipinarating na rin kina Ms. Ali Sotto at Papa Jack ang naging desisyon ng management na kanselahin ang kanilang programa.
Ayon sa nakarating sa amin, isang anime program ang ipapalit sa Star Box.
We are sure, magsasalita rin si Ms. Ali sa kanyang feelings sa pagkakasibak sa ere ng show.
Who knows, baka may ibang show na inihahanda ang GMA7 kay Ms. Ali dahil walang duda na pagdating sa pagho-host, napakahusay niya.


No comments:
Post a Comment