Ipinakita ni Energy Secretary Jose Rene Almendras sa media, ang disenyo ng smart card na nakatakdang ipamahagi sa mga jeepney driver.
Ibang sistema naman ang ipatutupad sa mga driver ng tricycle habang hindi kasali sa programa ang mga pampasaherong bus. Target ng gobyerno na simulan ang pamumudmod ng smart card sa mga tsuper sa Mayo 1.
Sinabi ni Almendras, mga local government unit (LGU) ang mamimigay ng pondo sa mga tricycle driver habang mangangasiwa naman sa pamumudmod ng smart card ang isang task force na kinabibilangan ng DOE, Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang nasabing smart card ay bilang tulong ng pamahalaan sa gitna ng patuloy na pagtaas sa presyo ng diesel. Samantala, makikita sa smart card ang franchise number ng jeep, plate number nito at ang seal ng Republika ng Pilipinas. Maaari itong gamiting pambayad sa mga gasoline station tuwing magpapakarga ang jeep ng
diesel.
photo credit: talakayan at kalusugan
Ibang sistema naman ang ipatutupad sa mga driver ng tricycle habang hindi kasali sa programa ang mga pampasaherong bus. Target ng gobyerno na simulan ang pamumudmod ng smart card sa mga tsuper sa Mayo 1.
Sinabi ni Almendras, mga local government unit (LGU) ang mamimigay ng pondo sa mga tricycle driver habang mangangasiwa naman sa pamumudmod ng smart card ang isang task force na kinabibilangan ng DOE, Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Matatandaang nauna nang ipinakita ang disenyo ng smart card sa GMANews tv bago pa ito pormal na ipinakita sa publiko. Read More: Pantawid Pasada Smart cards due to release — MalacaƱang




No comments:
Post a Comment